Open Letter to My Fellow Filipinos(The Pro administration and the Opposition)
Sa mga Pro Duterte Aministration and to those against the administration, bakit nga ba tau nag aaway-away at nagmumurahan na kadalasan nauuwi na rin sa personalan? Bakit nga po ba tau galit sa administrasyon o galit sa mga taga opposition?
Nagkakasakitan na po tayo physically,personally,mentally and emotionally pero sigurado po ba tayo na alam natin ang pinangagalingan ng ating mga galit at sigurado po ba tayo na alam natin kung ano ba talaga ang ating mga pinaglalaban?
Doon sa mga galit sa administrasyong Duterte at galit sa pagpapalibing kay Marcos, Kilala niyo po ba o nasaktan po ba kayo personally ng Administrasyong Duterte o ng pamilyang Marcos kaya kayo suklam na suklam sa kanila??? O galit kayo sa kanila dahil narinig niyo si nanay,si tatay,si lolo,si lola,si teacher,si kaibigan at si MEDYA na nagsabi na pinatay nila si ganito at pinatay nila si ganyan,ninakaw nila ang ganito at ninakaw nila ang ganyan?
Sa kabilang panig bakit nga ba talaga tau galit sa mga taga Opposisyon? Bakit nga po ba tayo galit kay Ms. Vice-President Leni? Ano po ba ang ginawa nya sa inyo? Galit po ba kau sa kanya dahil kakampi siya ng kabilang partido? At kung hindi sila naging magkalaban ni Ginoong Marcos,Galit pa po ba kaya tau sa kanya ngayon?
Sa ating lahat na mga Pilipino,maka-administrasyon man o maka-opposisyon,alam nga ba talaga natin ang ating mga pinaglalaban? Di po ba Pilipino tayong lahat at ang ating pinaglalaban ay ang Pilipinas? Ang kapayapaan at kaunlaran ng ating inang Bayan? Pero bakit tayo hati? away doon away dito,pamamahiya doon pamamahiya dito,murahan doon,murahan dito.
Di ba nakakalungkot at nakakaiyak para tayong isang pamilyang (Pilipinas) nag aaway-away. Si Tatay(Administrasyon) at si Nanay(Opposition) nag aaway, tapos tayong mga anak (Pro Admin and Pro Opposition) ay nag aaway din. Ano na lang mangyayari sa ating pamilya? Hindi ba puwedeng habang nagkakabanggaan si nanay at si tatay, tayo namang mga anak ay magkaisa, mag obserba at pag-usapan kung ano magandang gawin para malutas o maibsan man lang ang problema ng ating Pamilya?
Bilang mga anak ng ating bansa,sa sitwasyon po natin ngayon hindi po nakakatulong ang ating pag-aaway-away o pagbabangayan. Isipin din po sana natin minsan kapag nag aaway si nanay at si tatay, o kaya pag may bisita si nanay o kaya si tatay,nagkukulong sila sa pribadong kuwarto para hindi natin marinig ang kanilang mga pinag uusapan…
Ganyan po ang nangyayari sa ating pamahalaan ngayon ang ating mga naririnig at nakikita ay ang mga bagay-bagay na gusto lang nilang ipakita sa atin, ng mga nasa medya o ng mga nasa nakakataas.
Sa aking mga kuya at ate, bakit nga po ba tayo nag-aaway-away at ano nga po ba ang ating ipinaglalaban?
Nagmamahal,
Bunso