The Feelings That I've Kept Through the Years

Subject: The Feelings That I've Kept Through the Years
From: A Man Who Doesn't Know How to Unloved You
Date: 18 Apr 2016

Sabi nila mas nagiging sweet daw ang love letter 'pag sinulat or ginawa mo in english, 'di ako naniniwala, kase kahit anong lingwahe pa ang gamitin mo kung 'di naman galing sa puso mo ang paggawa ng sulat ay walang saysay 'to. 'Di ko din alam kung tama ba o mali ang ginagawa ko ngayon, basta ang alam ko lang walang mali ang magka-gusto sa isang tao, walang mali na ipahayag mo ang nararamdaman mo para sa isang tao. Siguro nagtataka ka kung ba't ko ginawa 'to so gagawin kong medyo detalyado ang sulat ko para maintindihan mo.

“How wonderful it is to be able to write someone a letter! To feel like conveying your thoughts to a person, to sit at your desk and pick up a pen, to put your thoughts into words like this is truly marvelous.”

Isa yan sa naging inspirasyon ko para gawin 'tong sulat para sa'yo, hindi ko kase kayang sabihin sa'yo personally kaya ang sarap lang sa pakiramdam na pwedeng-pwede kong ma-express ang feelings ko through a letter. So ku-kwentuhan muna kita kung pa'no ba nagsimula 'tong nararamdaman ko para sa'yo.

Magka-klase tayo since grade 2 or 3 'di ko na matandaan. Pero syempre napakabata ko pa no'n para magkagusto, pero ewan ko nagka crush ako sa'yo no'n. Pero syempre sa utak utak ko "eh ano naman?", sa murang edad ko na 'yon wala 'kong ibang inisip bukod sa pag-aaral at paglalaro.

Lumipas ang ilang taon, grade 6 na tayo no'n, pero gano'n pa din, na sa t'wing titingin ako sa'yo 'di ko maiwasang mapahinto ng saglet para titigan ka, pero maniwala ka saglet lang talaga, ayoko kaseng mahalata ako ng iba, ayokong malaman nila na may gusto ako sa'yo. Siguro kahit ikaw 'di mo alam na may gusto ako sa'yo nung mga panahon na 'yon, magaling lang talaga 'kong magtago ng feelings. Pero isang beses sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa iba, pero iba sa kanya, siya kase alam niya na gusto ko siya pati na din ang iba nateng kaklase, oo nahihiya 'ko 'pag nalalaman ng iba na may crush ako sa isa kong kaklase, pero yung sa kanya ayos lang, kase 'di naman totoo. Gusto ko lang talagang gawin 'yon, kase halos lahat ng kaibigan kong lalake alam ko kung sino yung mga gusto nila sa room, sobrang saya ko nga no'n kase ni isa sa kanila walang may gusto sa'yo. Siguro dahil na din 'di ka "daw" kagandahan tulad ng iba pero para sa'ken ikaw talaga yung pinaka-maganda sa room. Siguro ini-isip mo na 'di totoo yung pinagsasasabe ko ngayon, pero 'di kita masisisi, sa hinaba haba nga naman kase ng panahong lumipas ba't ngayon lang ako gumawa ng sulat para sa'yo, siguro ipagpalagay na lang natin na ngayon lang din ako natutong gumawa ng gan'to. Siguro kung may gan'to nung kabataan naten eh baka dati pa lang alam mo na na may gusto 'ko sa'yo, pero wala eh kaya ano bang magagawa ko?

Grumaduate na tayo ng elementary, gustong-gusto ko talagang tanungin kung saan ka mag ha-high school, pero wala eh nahihiya talaga 'ko. Hindi pa naman kase uso sa'tin yung social media dati na kung saan eh do'n naten pino-post yung mga kaganapan sa buhay naten. Kaya ang ending magkaiba tuloy tayo ng pinasukang school. Nalungkot ako oo pero gano'n talaga eh, inisip ko na lang na ang bata ko pa para sa mga bagay na ganyan.

Lumipas ang taon, wala na 'kong balita sa'yo at malamang sa malamang eh wala ka ding balita sa'ken, at pakelam mo nga ba sa'ken. Ina-amin ko na nagka crush ako sa iba, 'di naman siguro maiiwasan 'yon sa mga taong nag-dadalaga at nag-bibinata. Pero sa tuwing nagkaka gusto 'ko sa kaklase ko eh 'di ko maiwasang ihalintulad ka muna sa kanila, ikaw kase yung first crush ko kaya siguro ikaw ang nagiging basis ko pagdating sa itsura at ugali. So dahil sa pagkukumpara na ginagawa ko bigla ko na lang ma re-realize na hindi pa pala kita nakakalimutan, akala ko childhood crush lang talaga kita, pero wala naiisip pa din kita.

Buti na lang at uso na sa'ten ang social media sites, salamat at nauso ang facebook. Siguro 2 years na 'kong may facebook no'n pero never pang pumasok sa isip ko na i-search ka at i-add. Kaya buti na lang nagka-crush ako sa isa sa mga kaklase ko at 'di ko nga sinasadyang maihalintulad ka sa kanya. Na-search kita at inadd syempre, siguro ilang araw muna yung lumipas bago mo 'ko na-accept. Pero after mo 'kong i-accept parang wala lang, wala 'kong ginawa, malay ko ba kase kung kilala mo pa ba 'ko o hindi na kaya wala din namang nangyare, pero masaya na din ako kahit papa'no, ang mahalaga nakita na ulet kita kahit sa picture lang. Sinubukan kong titigan ang picture mo kung may nararamdaman pa talaga 'ko, ang akala ko wala na, ilang taon na kase ang lumipas, muntik na ngang matunaw yung picture mo sa facebook eh.

Category: