Hunter

Subject: Hunter
From: Me
Date: 4 Oct 2015

To Dexter Ian Madrigal Garcia, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko, sobrang dami ng gusto kong sabihin sayo ngayon.
More than 3yrs na mula ng mag break tayo pero until now, ramdam ko parin ang sakit ng paghihiwalay natin. Alam mo lately napapasaya mo ako dahil sa halos araw araw natin pag uusap sa phone. Sabi mo gusto moko ligawan ulit, sobrang saya ko ng malaman ko yun, dahil hanggang ngayon sobra parin kita mahal. Pero bakit ganon kahit sinabi mo sakin yun bakit ngayon feeling ko isa lang yun sa mga jokes mo. Ayoko ng umasa dahil alam ko pag dumating na naman yung point na nakahanap ka na naman ng bagong mamahalin alam ko mawawala na naman ako sa buhay mo, isipin ko palang yun nasasaktan nako.
At ngayon nandito ka sa pinas we are near yet so far dahil alam ko kahit ilang milya lang ang layo natin sa isa't isa hindi mo parin magawang makipag kita sakin, gustong gusto kong sabihin sayo na "Dexter magkita naman tayo habang andito kapa sa pinas kahit minsan lang" pero nagdadalawang isip akong sabihin yun kasi pakiramdam ko irerefuse mo ang invitation ko... Sa mga oras na ito hindi ko alam kung ano nga ba ako sa buhay mo? Gf mo ba ulit ako or illusion ko lang yun? Ano nga ba ang role ko sa buhay mo? Ang maging isang girlfriend ba or isang friend lang na pwede mong takbuhan kapag wala kang lovelife at walang makausap?
Pero kung ano man ang maging role ko dyan sa buhay mo masaya kong tataggapin basta alam ko na napapasaya kita kahit pa isang kaibigan nalang ang tingin mo sakin, dahil sumasaya ako every time na naririnigko ang voice mo ang mga tawa at mga jokes mo nawawala lahat ng sakit pag nakakausap na kita.. Tandaan mo kahit makahanap ka man ng panibagong pag ibig andito parin ako sayo, i will always be your MHINE and you're always be my MHINE, my HUNTER..

your friend K.

Category: