Proud to be Kapuso!

Subject: Proud to be Kapuso!
From: Ms. Bookworm
Date: 29 Sep 2015

Open letter for GMA Network and The viewers

Masaya ako sa ngayon natatamo kasikatan ng AlDub/ MaiDen dahil naisasama ang pangalan ng Eat Bulaga at ang GMA. Proud Kapuso ako. Madalas sabihin ng tao "Hindi naman marunong mag-alaga ng artista yang GMa na yan eh". Pero sa tingin ko hindi nagkulang ang network, at ang mga artista nila. Kundi kayo mga viewers na ang habol lang para maki-uso lang. Tuloy ang GMA network na maglabas o mag-magproduce na dekalidad na programa para sa atin kaso hindi niyo nagawa pansinin dahil sa pagtapat ng mga Branded nila artista. Naging issue ba sa GMA ang ratings para ipag-walang bahala nila dekalidad na programa nila? I guess not. Dahil patuloy parin sila pagbigay na quality na programa para sa manunuod nila. Katulad ng The Rich Man's Daughter at My Husband's Lover isa sa mga napaka-sensitibo ang theme dahil sa relasyon ng kapwa babae sa babae, lalake sa lalake. Hindi nila sinsabi na tama yun. Pero sinusubakan nila mamulat ang lipunan na ito na ang nangyayari sa REALITY. Na nasa atin na kung mabigay natin pang-unawa natin sa LGBT community yun lang naman hiling nila. Pero nagawa niyong ipag walang bahala ang ganoon programa dahil sa pangalan ng sikat nila artista. Rhodora X, Amaya, Indio, My faithful husband, Beautiful Stranger, The Borrowed Wife, At syempre ang mga dekalidad nilang documentaries na mas napapansin ng mga taga-ibang bansa kaysa na tayong Filipino. Dahil sa ugali natin na sunod sa uso. Kung bibigyan niyo lang ng pagkakataon ang GMA programs wala kayo pagsisisihan. Sinusulat ko lang kung ano dahilan bakit GMA ang pinipili ko na network. Hindi man dumating ang AlDub phenomenon magiging proud KAPUSO pa rin ako dahil sa dedicated nila mabigyan ang bawat Filipino na dekalidad na programa na wala sila pakialam sa "Ratings" ang importante yung quality ng ginagawa nila.

Proud to be Kapuso
Ms. Bookworm

Category: