To Tristan

Subject: To Tristan
From: ---
Date: 12 Nov 2017

Hi Tj.

unang-una, gusto ko magsorry. di ko gustong makasakit ng iba. hindi ko rin inaasahan na mapapagod ako sa kakahintay at kakaunawa. gusto ko lang hanapin ang sarili ko. nitong mga nakaraang araw, sa sobrang dami ng problema na iniisip ko, hindi ko alam kung sino na yung malalapitan ko. all along kasi pakiramdam ko ako lang mag-isa, alam mo yun? that was the time na kinailangan kita. at wala ka. sobrang sakit para sa kin nun. kasi yung taong napakahalaga sa kin ang mas lalong nagpabigat ng problema. pasensya na kung pinili ko munang layuan ka. pasensya na kung di ko nagugustuhan yung tono ng mga chat mo. pasensya na sa mga pagkukulang ko. pasensya na kung nasaktan kita.

siguro kailangan ko muna mapag-isa. itetest ko muna yung sarili ko kung kakayanin ko ba 'to mag-isa. kung sakaling di ko kayanin, willing ka bang samahan ulit ako?

mahal kita tj. minahal kita. inaamin kong mahal pa rin kita at alam ko sa sarili kong mamahalin pa rin kita. ikaw kaya ang first love ko.

ano man ang mangyari, kung sakaling di naman tayo ang para sa isa't isa, tatanggapin ko nang maluwag. kung sakaling napunan na ng iba ang space sa puso mo, pipilitin kong tanggapin. mahal kita. may God bless you always. smile ka na :)

Category: 

Facebook Comments Box