Tagalog - 06/05/17

Subject: Tagalog - 06/05/17
Date: 5 Jun 2017

Hi! Ako nga pala si! Ay wag nalang pala, kahit naman sabihin ko ang pangalan ko wala ka din naman sigurong pakialam hindi naman kasi ako sikat, hindi naman ako yung crush mo, or hindi din naman ako ganun kaimportante sa buhay mo. Pero sa puntong binabasa mo to sana maaliw ka kahit paano, sana maintindihan mo kung ano yung gusto kong sabihin, or sana hindi naman malayong mangyari na makarelate ka. Hehe! Dedescribe ko nalang siguro sarili para naman kahit paano may idea ka sakin. Actually alam kong boring akong tao, siguro pinipilit ko lang makisama sa ibang tao sa araw-araw pero alam kong kapag kasama nila ako ehh nabobored sila. Assuming ika nga. Hindi naman ako tahimik na tao pero hindi din ako ganun sobrang kaingay, tama lang siguro depende sa mood pero mas napapansin ko na mas madalas mahilig akong tumingin sa malayo, nag-iisip pero hindi alam kung anong iniisip. It’s more on describing nga di ba? Masasabi kong gamer ako, mahilig maglaro pero hindi tinatapos yung ibang laro, kadalasan kasi yung pakiramdam ko na kapag malapit ko na matapos yung nilalaro ko ehh tapos na hindi ko na ulit malalaro pa. Yung pag-iisip na ayaw ko pa siyang tapusin kasi nga gusto ko dun lang, masaya na ako dun ehh bakit ko pa tatapusin. Hehe!
Gusto kong maglakbay pero hindi ko magawa, duwag kasi ako eh. Gusto ko subukan yung ako lang mag-isa pero okay din naman kung may kasama. Pero walang may gustong sumama sakin. Kulang ako sa lakas ng loob alam ko naman yun. Gusto kong masubukan yung mapunta sa lugar na maganda may makikilalang iba’t-ibang tao tapos explore.
Madaming nababaduyan sakin, kaya nga tumigil ako magsabi ng kung anong nararamdaman ko kasi tumigil din ang mga taong nakapaligid sakin na intindihin ako which is hindi ko naman hiniling na intindihin ako. Basta alam mo naman yun sa sarili mo ehh kung may mga tao pang okay sakanila na madinig yung mga kabaduyan mo sa buhay nang naappreciate nila yun. Pero okay lang naman. Kaya nga siguro din mas ginusto ko nalang sumulat ng gaya nito nang hindi nagsasabi ng kung sino ako. Mahirap ehh, mahirap.
Alam kong malawak ang pagkatao ng bawat isa, may kanya-kanyang magaganda story ang buhay. Yung iba nga nagawa nang pelikula. Yung iba natapos na, at yung iba ginagawa palang. Which is ang layo na sa dapat na pagdescribe ko sa sarili ko.
Basta! Yung nalang siguro muna sa ngayon.  Thank You!

Category: 

Facebook Comments Box