An Open Letter For My Other Half

Subject: An Open Letter For My Other Half
Date: 6 May 2017

MASAYA NGA BA AKO?
Pero bakit hindi yata totoo? O baka pilit ko lang ipinaparamdam sa sarili ko, na masaya ako, na ayos lang ang lahat, kahit na hindi, ganon na ba talaga ako kagaling gumamit ng defense mechanism? Bakit di ako makaalis? Bakit di ako makawala? Pinipilit kong iwaksi ang kadena na nakatali sa akin pero hindi ko magawa, hindi ko kaya.
Pagod na pagod na ko sa set up na to. Gusto kong maging malaya pero bakit pilit ipinagkakait sa akin? Di ako makahinga. Di ako makagalaw. Sugatan na ang sentro ng pagkatao ko. Walang pang-uri ang kayang magpaliwanag ng nararamdaman ko. Paulit ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga salitang ito.
Bakit ba ako nabubuhay sa nakaraan mo?
Bakit pakiramdam ko ang lapit lapit niyo pa rin sa isa’t isa, kahit ako na ang nasa tabi mo? Bakit pakiramdam ko siya pa rin kahit na alam ko mismo sa sarili ko na akin ka, na ako na ang bahagi ng kinabukasan mo at hindi na siya? Bakit pakiramdam ko na siya pa rin ang kailangan mo kahit na alam kong ako ang kailangan mo? Bakit nasasaktan pa rin ako kahit alam ko na ako na ang nagmamay ari sayo? Hindi ko alam ang sagot.
Hanggang kailan ako mabubuhay sa nakaraan niyong dalawa? Hanggang kailan ako magpapalipin sa sakit na dulot ng inyong nakaraan?
Hanggang kailan nga ba? Tanong na kailan man ay di mabibigyan ng kasagutan.
Siguro matatapos lang to kapag nawala na ko sa tabi mo.
Kaya patawarin mo ko kung pakiramdam ko ay siya pa rin ang laman ng puso mo at hindi ako.
Ayoko ng maging malupit sa sarili ko, pinapalaya ko na ang sarili ko mula sa pagkakakulong sa inyong nakaraan.
Paalam.

Category: 

Facebook Comments Box