TO THE MAN I LOVE THE MOST BUT CHOSE TO BROKE MY HEART INTO PIECES....

Subject: TO THE MAN I LOVE THE MOST BUT CHOSE TO BROKE MY HEART INTO PIECES....
From: Kurdapya
Date: 18 Jul 2016

It's been 4 days simula nung sinabe mo na "Tapusin na lang na'ten kung anong meron sa ating dalawa kasi mas lalo mo lang akong masasaktan pag pinatagal pa natin." Lutang ako, di ko alam kung bakit. Kung anong dahilan bakit bigla mo na lang akong ginive-up kase inaayos naman na naten kung anong mga nangyare nung nakaraan pero mas pinili mo pa'din sila, siya ... kesa sa'ken. Nakakalungkot lang isipin kasi sa kabila ng lahat ng pakikipaglaban ko para sa relasyon naten, pero bakit ganun mo na lang kadaling itapon lahat. Hanggang sa paghihiwalay naten puro pa'din pala kasinungalingan lahat ng sinabe mo sa'ken. Paulit-ulit kong tanong sa sarili, "Is this what I deserve after giving everything for your family, for your friends especially for us?"

Miss na kita. :-( Naninibago ako sa lahat ng ng nangyayari sa buhay ko simula nung iniwan mo ako. Everytime pag papasok ako sa trabaho, hinihintay pa'din kita. Umaasa pa'din ako na isang araw marirealize mo bigla tapos hinihintay mo na ako sa MCDO or sa harap ng office ko. Ang aga ko na pumasok ngayon para lang hintayin ka bago pumasok sa office. Pero wala, ni kahit anino mo wala. Pag may naririnig akong tunog ng motor, bigla-bigla na lang akong mapapalingon sa pag-asang ikaw yun pero hindi. Pag nasa nakaupo na ako sa station ko, hinihintay kong mag-vibrate cp ko kase baka magtext ka bigla na nasa baba ka. :-( Hinihintay kong ichat mo ako, pero lumipas yung isang linggo wala pa'rin. Pag uuwe ako habang nakasakay ng jeep, naiiyak nalang ako bigla kase lahat ng dadaanan ko, nadaanan na nating dalawa nang magkayakap. Last weekend, di ko alam if san pupunta, pinuntahan kita, nasa tulay ako hinihintay kong lumabas ka pero wala pa'din. Andaming beses kong tri-ny itext ka pero nag aalangan ako na baka deadma na lang ako sa'yo. MISS NA KITA KATABI MATULOG! Yung mga bulong mo bago ka matulog, yung panunuod naten ng Fliptop battle bago matulog. Yung mga paglalambing mo, yung mga yakap at halik mo, di ko alam if pano ko mararamdaman ulit. Miss ko na yung ikaw yung gigising sa'ken or ako gigising sa'yo tapos yung paghihintay ko na gumising ka para sabay tayo kumaen. Di ko na alam if pano gumamit ng kutsara't tinidor kase nasanay ako na sa bawat pagkain ko sinusubuan mo ako. Miss ko na ung simpleng text mo na papasok ka na, pauwe ka na. Sobrang miss ko na lahat. Yung mga I LOVE YOU mo. Lahat lahat sobra sobra ko ng namimiss. :-( Miss ko na yung paghatid at pagsundo mo sa'ken papuntang office, pauwe ng bahay. Miss ko na yung maingay mong motor. Miss ko na yung mabaho mong helmet. Miss ko na yung pag-aya mo sa'ken kumain ng ice cream sa tuwing mainit ulo ko. Miss ko na yung pagtitig sa'yo habang natutulog ka, yung tiyan mong malake na nakasanayan ko ng hawakan sa bawat pagyakap ko sa'yo. Miss ko na yung pagmi-make face mo mapatawa lang ako. Miss ko na yung pagbibilliards naten, yung pagtambay naten.

Ano ba kailangan kong gawin para maranasan ko ulit yun kasama ka? :-(

Miss ko na yung amoy ng laway mo sa unan naten. Miss ko na yung kumot mong violet. Miss ko na yung higaan mong maliit. Miss ko na bii lahat lahat. Ngayon, sabihin mo sa akin kung pa'no ako magsisimula ulit ng wala ka? Kung nasanay na ako na sa bawat araw, oras at minuto ikaw at ikaw ang kaharap, kasama at katabi ko? Pano ko sisimulan yung araw ko sa katotohanang wala ka na talaga? Di naba talaga mababawi lahat yun? Hanggang ngayon umaasa pa'din ako na babalik ka at di ko alam if hanggang kelan ako aasa. Bii, miss ko na yung mga tahol ni Tuti, yung paggala naten sa kanya tuwing hating gabi. Miss ko na masasarap na luto ng Nanay mo. Miss ko na mga sermon sa akin ng kapatid mo. Miss na miss na miss ko na lahat ng sa atin bii. Di ko alam if kailan ako magiging okay, kung magiging okay pa ba ako? Di ko alam. Mahal, ikaw at ikaw pa'din ang gusto kong maksama sa kabila ng mga kasalanan at kakulangan mo! If ever na iwan ka ng mundong pinili mo, andito lang ako, andito pa'din ako para sa'yo. Oo, katangahan na kung katangahan pero masisisi mo ba ako kung sa mga katangahang yan naging masaya ako. Araw-araw pa'din kitang hihintayin. Araw-araw pa'din kitang mamahalin. Gagawin ko pa'din lahat ng plano naten. Pupunta pa'din akong Baguio, tapos tuloy pa'din yung Thailand sa Anniversary naten. Lahat ng ipinangako ko sa'yo, gagawin ko pa'din. Hayaan mo lang akong mapagod, hayaan mo lang akong magsawa at magising isang araw na wala na talaga, di na talaga maibabalik pa. Hayaan mo lang akong mahalin ka ng paulit-ulit, araw-araw, minu-minuto hanggang sa ako na mismo ang bumitaw at higit sa lahat hayaan mo na muna akong hintayin ka araw-araw, sana pag babalik ka hindi pa ako pagod, sana pagbalik mo hindi pa'ko nagsasawa, sana pagbalik mo mahal pa'rin kita.

Pero ngayon, isa lang alam ko, MAHAL NA MAHAL PA'DIN KITA kahit ganyan ka, kahit na ano ka pa.
~~Kurdapya 02.04.15

Category: